Una sa Balita

Lady Gaga, inilantad na ang relasyon kay Christian

By
0 8

For the first time ay nag-share si Lady Gaga ng photo kasama ang kanyang boyfriend na si Christian Carino.

Isang talent agent si Christian at ito ang bagong lalake na dumating sa buhay niya pagkatapos niyang makipaghiwalay last year sa dating fiancé niyang si Taylor Kinney.

Sinamahan si Gaga ng kanyang boyfriend sa naganap na birthday celebration ng yumaong kaibigan ng singer na si Sonja na isang breast cancer victim.

Post pa ni Gaga sa Instagram: “After rollin around on the couch feeling sad with the help of some of my #grigiogirls and a very special someone I managed to dress up and feel better in a beautiful pink sequined dress generously gifted to me from @oscardelarenta Sonja would want us to celebrate her Birthday. So we are. Dressed in Pink and handing out pink chocolate kisses for #breastcancerawareness.”

Low key nga raw ang relasyon ni Gaga kay Christian. Kung maitatago raw nila sa publiko ang relasyon nila ay gagawin nila.

Malayo raw ito sa naging high profile relationship niya sa aktor na si Taylor Kinney na nauwi rin sa hiwalayan.