Una sa Balita

Lady gaffer Robie nagtampisaw

0 377

MATRABAHO ang pagiging Farm Ma­nager, halos ginugugol lahat ng oras sa pag-aasikaso ng mga pangangailangan sa farm lalo kapag may hinahandang panlaban at mga kliyente.

Pero ngayong Holy Week ay pansamantalang lumayo muna sa manukan ang sikat na Lady Gaffer sa Pilipinas na si Robie Yu Panis at dahil sobrang init ng panahon ay nag-swimming muna ito kasama ang pamilya.

Maging ang mga bigtime at ilang kilalang backyard breeder ay ginunita ng Semana Santa kasama ang kanilang pamilya.

Kilala sa tawag na Robie, siya ang official na mananari ng tanyag na breeder at kampeon sa Pilipinas na si Biboy Enriquez, bukod sa pagiging gaffer ay siya ang farm manager ng Firebird GameFarm.

Samantala, tiyak na masisilayan ang FireBird sa magaganap na 2019 World Slasher Cup 2 na bibitawan sa May 27 hanggang June 2. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy