Una sa Balita

Lady Falcons kampeon sa Collegiate Conference

0 322

Napasakamay ng Adamson Lady Falcons ang kampeonato sa 3rd PVL Collegiate Conference matapos walisin sa best-of-three finals ang UST Golden Tigresses sa Game 2 kahapon, 25-19, 25-6, 25-17, sa FilOil Flying V Centre.

Nanguna sa opensa si Lorence Grace Toring matapos gumawa ng game-high 15 points kasama ang ginawa niyang 6 blocks.

Mainit din ang performance ni tournament MVP Trisha Mae Genesis matapos humataw ng 14 total points mula sa 10 attacks at 4 service aces.

Isang block ni Rizza Cruz ang nagselyo ng titulo para sa Adamson sa third set, 25-17.

Hindi sapat ang 11 points ni Eya Laure para ihirit ng rubbermatch ang UST.

Samantala, nasungkit naman ng Ateneo Lady Eagles ang 3rd place matapos walisin din sa serye, 2-0, ang DLS- CSB Lady Blazers sa Game 2 sa iskor na 20-25, 14-25, 25-22, 19-25.

Pinamunuan ni Ateneo rookie Faith Nisperos ang Lady Eagles sa kinulektang game-high 21 points mula sa hinataw niyang 19 attacks.

Nakatuwang ni Nisperos si Julianne Marie Samonte na kumana ng 16 points. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy