Una sa Balita

Lady cop todas sa car accident

By
0 851

NAMATAY ang isang babaeng pulis nang mahulog ang minamaneho nitong kotse sa kanal ng STAR Tollway sa Malvar, Batangas kamakalawa nang umaga.

Batay sa imbestigasyon ng Malvar police, patungo sa kanyang duty sa Biñan City Police Station ang biktimang si Inspector Leah Ocampo at tinatahak nito ang northbound direction ng STAR Tollway dakong alas-6:30 nang umaga nang maganap ang aksidente.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng minamaneho nitong kotseng Toyota Altis nang tila biglaan umano itong nagpreno.

Nawala sa kontrol ang sasakyan at gumewang papuntang kanan hanggang sa mahulog ito sa kanal sa gilid ng tollway.

Tinamaan ng nawasak na unahang pinto ng kot­se ang ulo ng biktima na siya nitong agarang ikinasawi.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More