Lady cop, lover huli sa akto!

By

Kasong adultery ang kinakaharap ng isang ginang na pulis makaraang mahuli ito ng kanyang mister na pulis din habang nasa aktong nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Kinilala ang maybahay na si Donnalyn Dollesin y Lasconia, 33, aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Cainta Municipal police station.

Kinilala naman ang lover nito na si Ulysses Paredes y Capistrano, 19, isang Army reservist na may ranggong corporal at residente ng Barangay Sto. Domingo, Cainta.

Sa report ng Cainta police, ang dala­wa ay nahuli ng mister ng una na si Billy Ivan Dollesin y Buenventura, 33, miyembro ng PNP na nakatalaga sa Maritime group sa Camp Crame.

Sa reklamo ng pulis, alas-10:30 ng umaga nang maaktuhan niyang nasa kainitan ng pagtatalik ang kanyang misis at ang kalaguyo nito sa loob mismo ng kanilang kuwarto sa kanilang bahay.

Pero mas minabuti nito na magtimpi at sa halip ay umalis na lamang at nagsumbong sa pulisya. Agad namang inaresto ng mga pulis ang mag-lover.

SHARE