Una sa Balita

Lady Bulldogs liyamado vs TIP

By
0 138

Games ngayon: (PhilSports Arena)
10:00 a.m. – NCBA vs. UP (Spikers’ Turf)
12:00 noon – PMMS vs. NU (Spikers’ Turf)
4:00 p.m. – TIP vs. NU (V-League)
6:00 p.m. – CSB vs. UP (V-League)

Liyamado uli ang titleholder National University sa Technological Institute of the Philippines sa tug-of-war ng dalawa mamayang alas-kwatro ng hapon para sa second win at sa solong tuktok ng Group A sa hambalusan sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference eliminations.

Kasunod ng NU (1-0)-TIP (1-0) match ang six nightcap game sa PhilSports Arena sa Pasig City ang pagnanasa ng University of the Philippines (1-0) sa No. 2 W din para sumalo sa Group B lead kontra College of Saint Benilde (0-2).

Nilapangga ng Lady Bulldogs ang San Sebastian College sa nakalipas na linggo 25-22, 29-27, 25-21 sa simula ng title-retention bid sa women’s indoor volleyball midseason conference ng liga na binalangkas ng Sports Vision Management Group, Inc., hatid ng Shakey’s at mga pinapadrinuhan ng Mikasa at Accel.

Ginulantang naman ng Lady Engineers ang Ateneo de Manila University 26-24, 14-25, 25-21, 18-25, 15-12 at kinatay ng Lady Maroons ang San Beda College 25-20, 25-17, 25-20. Winless pa sa two games ang Lady Blazers.

Sumakmal si Jaja Santiago ng 27-hit performance tampok ang 20 attack points, four blocks at three aces, nagpader si Jasmine Nabor ng 50 excellent sets nang madale ng Bustillos-based squad ang Grethcel Soltones-led Lady Stags.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy