Una sa Balita

Lady Bulldogs aayudahan ni Itesi sa 5th straight title

0 118

SISIMULAN ng Nationa­l University ang kanilang kampanya para sa fifth consecutive crown laban sa University of Santo Tomas ngayong araw sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament.

Walang dungis ang Lady Bulldogs sa apat na seasons, haharapin nila ang Tigresses sa alas-8:00 nang umaga sa Mall of Asia Arena.

Sa Blue Eagle Gym naman ang banatan sa pagitan ng last year’s runner-up University of the East at Far Eastern University sa ala-1:00 nang hapon pagkatapos ng alas-11:00 nang umaga na duel ng Adamson University at La Salle.

Abante Hiring – IT dep

Magkakaldagan naman ang Katipunan rivals Ate­neo at University of the Philippines sa alas-9:00 nang umaga.

Sakmal ang 64 consecutive wins, solido ang roster ng NU at posibleng lampasan ang Adamson University softball sa kanilang 73-game winning streak – pinakamahaba sa anumang sport sa liga.

Sasandalan ni Bulldogs head coach Pat Aquino sina Congolese Rhena Itesi, Jack Daniel Animam, Ria Nabalan at Monique Del Carmen. (Elech Dawa)