Una sa Balita

Lady Blazers sobrang napiga

0 335

PALAGING pinapaalala ng coaching staff ng College of Saint Benilde Lady Blazers sa kanilang mga bataan na magpokus lang kada game dahil mahaba pa ang labanan sa 95th NCAA women’s volleyball tournament.

Ganoon nga ang nangyari kaya nasilo ng Taf-based squad Lady Blazers­ ang malinis na tatlong pana­lo matapos kalusin ang Letran Lady Knights, 25-20, 25-18, 25-15, kaha­pon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

“Sinasabi lang namin sa mga players­ na per game ang focus namin.­ Dapat give lang ng one hundred percent namin,” hayag ni Lady Blazers assistant coach Jay Chua.

Tumikada si veteran middle Chelsea Umali ng pitong puntos mula sa limang attacks at tig-isang service ace at block para ikahon ng Lady Blazers ang 3-0 karta at masolo ang top spot ng team standings.

Halos lahat ng players ng CSB ay nag-ambag ng puntos kabilang sina Jade Gentapa, Klarisa Abriam at Michelle Gamit na may tig anim na puntos.
“Ang gusto lang namin lahat sila mag-contribute,” ani Chua. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More