Una sa Balita

Lady Altas winasiwas ang Lady Generals

0 407

STANDINGS W L
*CSB 7 0
*Arellano 6 1
*Perpetual 6 2
San Beda 5 2
JRU 4 5
Letran 3 4
LPU 3 4
SSC-R 1 6
Mapua 1 6
EAC 1 7
*semifinalist

Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
12 noon – SSC-R vs LPU (Women)
2 p.m. – San Beda vs Mapua (Women)

Kinausap ni Macky Cariño ang kanyang mga bataan sa Perpetual Help upang paalalahanan at himukin na ibigay lahat ang makakaya para manalo.

Pinangunahan ni Jhona Rosal ang opensa ng Lady Altas upang pagulungin ang Emilio Aguinaldo College, 20-25, 25-17, 25-21, 25-17, sa NCAA Season 95 women’s indoor volleyball tournament eliminations Lunes nang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Tumikada si Rosal ng 17 points mula sa 15 attacks at dalawang service aces upang tulungan ipuwesto ang UPHSD sa pag-upo sa third spot tangan ang 6-2 record at lumapit sa asam na semifinals berth, pinatimbuwang ang Lady Generals sa 1-7.

“Sobrang relax, galing kami roon sa pangit na performance against San Beda kaya kinausap ko sila tapos sabi ko, challenge natin sarili natin for today’s game, kailangan makuha ulit natin ‘yung panalo.” hayag ng Perpetual coach.

Bumakas sina Yanca Tripoli at Dana Persa ng tig-11 puntos para sa Lady Altas habang 10 ang kinana ni Jenny Gaviola.

“Maganda na rin ‘yung naging resulta, at least kahit papaano, kahit lousy ‘yung performance namin today, nanalo pa rin kami, pangdagdag ba ng morale, ‘di ba?” panapos na litanya ni Cariño. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More