Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ladon kampeon ulit sa suntukan

0 97

NAIPAGTANGGOL ni 2016 Rio Olympian Rogen Ladon ang kanyang men’s under-52kgs division sa 31st Southeast Asian Games boxing match sa bisa ng split decision 3-2 panalo laban kay Thao Tran Van ng Vietnam sa Bac Ninh Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Pinairal ng 28-anyos na tubong Bago, Negros Occidental ang kanyang matalas at eksaktong mga patama sa Vietnamese boxer upang makamit ang ikalawang sunod na gintong medalya sa biennial meet kasunod ng silver medal finish noong 2015 Singapore meet sa light-flyweight division, habang nakamit ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) ang kauna-unahang gintong medalya sa Hanoi meet.

Naging maganda ang panimula ng mga bitaw at patama ni Ladon sa katawan na may kasamang kumbinasyong kaliwa’t kanan sa mukha para mapaatras ang Vietnamese boxer sa first round.

Sunod-sunod na left-right straight combination ang binabato ni Ladon, tinatangkang sumuntok ni Van ngunit naiiwasan agad ni Ladon.

Nasundan ni Ladon ang kanyang kampeonato sa nakalipas na 2019 Manila meet nang tinalo niya sa gintong medalya si Ammarit Yaodam ng Thailand na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.