Una sa Balita

Ladon duguan, nagkasya lang sa silver

By
0 571

BIGO si 2016 Olympian Rogen Ladon na maupakan ang gintong medalya sa flyweight category ng men’s boxin­g sa 18th Asian Games Sabado nang hapon sa Indonesia.

Natalo si Ladon kontra Uzbekistan fighter Jasurberk Latipov via stoppage dahil sa hiwa na natamo nito sa kaliwang kilay nang ma-headbutt sa kalagitnaan ng laban.

 Hindi man nasungkit ang inaasam na ginto, nakuha pa rin ni Ladon ang ikalawang pilak na medalya para sa Pilipinas.

 Sa mga larawan na inilabas ni sports psychologist at coach Marcus Manalo, ginagamot na ang hiwang natamo ni Ladon.

 Bagama’t hindi nanalo si Ladon, marami pa rin ang humanga sa katapangan na ipinamalas ng boksingero na lumaban hanggang dulo para sa bayan.