Una sa Balita

Lacuna, Yu swak sa swimming finals

By
0 17

Swak sa finals sina Jessie King Lacuna at Roxanne Yu matapos kumampay sa toka nilang heats sa swimming competition kahapon sa 29th Southeast Asian Games sa National Aquatics Center, Malaysia. 

May kabagalan sa unang arangkada si two-time Olympian, Lacuna sa men’s 400-meter freestyle heats, umoras ng four minutes at .0064 se­conds para sa sixth place, malayo sa kanyang silver medal-winning time na 3:55.34 sa Singapore may dalawang taon na ang nakaraan. 

Nagtala si Yu ng 1:05.40, puwesto ito sa fourth sa women’s 100-meter backstroke, personal best niya ang 1:04.80 nang sikwatin ang bronze sa Singapore SEA Games. 

Dikit lang ang naitalang oras ni 2014 Nanjing Youth Olympic Games veteran kina Singapore’s En Qi Hoong (1:05.20) at Yenny Venesia Yosaputra (1:05.20) ng Indonesia na lumanding sa second at third ayon sa pagkakasunod. 

Si Vietnamese swimming star Ngu­yen Thi Anh na humakot ng walong golds sa Singapore SEAG ang nanguna sa heat na may ti­yempong 1:03.84. 

Semplang sa 100- meter backstroke si Fil-Am newcomer Nicole Oliva na nakuntento sa 10th place, (1:07.06), ang top eight swimmers sa heat ang magku-qualify sa finals.   

Laglag din si Rosalee Santa Ana, pang ninth lang sa women’s 200-meter butterfly heat (2:24.32).