Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson tuloy pagpapahalaga sa karapatang pantao

0 69

Binigyang-linaw ni Partido Reporma chairman at standard bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang maling kuro-kuro na hindi siya kampeon ng karapatang pantao at iginiit ang walang puknat na pagsulong sa taunang badyet ng Commission on Human Rights (CHR).

Mula pa noong 2016, ayon kay Lacson ay madalas siyang nag-i-sponsor ng panukalang pondo ng CHR sa taunang deliberasyon ng badyet, bilang chairperson ng Senate Finance subcommittee.

“I have consistently augmented their (CHR) budget para makapagtrabaho sila nang mas maayos,” pahayag ni Lacson sa panayam sa telebisyon.

Noong 2017, siniguro ni Lacson ang P693 mil¬yong pondo para sa CHR mula sa inisyal na panukalang P573 milyon matapos katayin ng House of Representative ang kanilang pondo sa P1,000 nang magbanggaan ang dalawang ahensiya sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Nakipag-ugnayan din si Lacson sa namayapang si dating CHR Commissioner Luis Martin ‘Chito’ Gaston para matiyak na lahat ng mga proyektong mangangalaga at magbibigay proteksiyon sa karapatang pantao ay masustinahan sa harap ng salungat na sistema ng gobyerno.

Si Lacson ay tinaguriang tagabantay ng pambansang badyet sa Senado dahil sa malalimang pagbusisi na kanyang ginagawa upang matiyak na lahat ng salapi ng pamahalaan ay mailaan sa tama at kapaki-pakinabang na gastusin.

Walang naging puwang kay Lacson sa panahon ng pamumuno sa PNP ang pag-abuso sa kapangyarihan at katiwalian kaya naibangon niya ang lugmok na pagtrato ng publiko sa ahensiya at naibalik ang tiwala ng mamamayan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.