Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson tinapyas P9B sa 2022 budget

0 122

Isusulong ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang realignment ng mahigit P9 bilyon sa panukalang 2022 national budget para sa iba’t ibang infrastructure projects, farm-to-market roads at National Greening Program (NGP).

Sa isang statement, sinabi ni Lacson na nais niyang bawasan ng P1.97 bilyon ang pondo ng farm-to-market roads ng Department of Agriculture (DA).

Nauna nang dinagdagan ng Kamara ang pondo sa farm-to-market roads ng P6.96 bilyon mula sa dating P4.98 bilyon sa ilalim ng National Expenditures Program (NEP).

Paliwanag ni Lacson, presidential standard bearer ng Partido Reporma, hindi dapat balikatin ng national government ang pagpapatupad ng farm-to-market road.

Nais din ni Lacson na bawasan ng P2 bilyon ang Department of Environment and Natural Resources mula sa dating P3.68 bilyon.

Nasa P5.105 bilyon naman ang bet ibawas ni Lacson sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa susunod na taon.

Ang mga ibabawas ay ililipat sa pondo ng iba’t ibang proyekto, kabilang ang P400 milyong pagpapaganda ng pasilidad sa Pag-asa Island sa West Philippines Sea. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.