Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson tanging presidential bet na tumungtong sa Maguindanao

0 111

Umani ng masigabong palakpakan at mainit na pagtanggap mula sa mga residente at maging sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan ang naging pagbisita ni presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson sa Ampatuan, Maguindanao, kahapon.

Si Lacson ang una at kaisa-isang presidentiable na nagtungo sa munisipalidad para ilatag ang kanyang malinaw na mga plano para iangat ang buhay ng lahat ng uri ng mga Pilipino saanmang sulok ng bansa, lalo na ang mga kababayang Muslim sa Bangsamoro.

“Ping Lacson!” ang paulit-ulit na sigaw ng mga dumalo sa pulong-bayan ni Lacson sa Brgy. Kamasi kasama ng mga senatoriable na sina Dr. Minguita Padilla at dating Agriculture Secretary Emmanuel ‘Manny’ Piñol.

Dito naramdaman ng presidential candidate ang suporta ng mga taga-Mindanao at kita sa reaksyon ng mga dumalo ang kanilang pagnanais na pakinggan ang mensahe ng pag-asa ni Lacson.

Personal na tinanong ni Lacson ang mga residente kung sino sa ibang mga kandidato sa pagkapangulo ang napakinggan ang kanilang mga hinaing. Sumagot naman ang mga dumalo natangin¬g siya lamang at wala nang iba.

Unang sinabi ni Lacson at Piñol na hindi pangmatagalang solusyon ang pagpapababa sa presyo ng bigas sa halagang P20 dahil malulugi ang gobyerno at lalong mahihirapan ang mga magsasaka. Aniya pa, hindi rin kakayanin ng taunang budget ang pagbibigay ng libreng pabahay. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.