Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson, Sotto nilantad mga ‘manok’ sa Senado

0 55

Naglabas na inisyal na listahan si Senate President Vicente Sotto III ng mga personalidad na kasama sa senatorial lineup ng Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa 2022.

Inilabas ni Sotto ang listahan isang araw matapos nitong kumpirmahin na tatakbo siya pagka-bise presidente kasama si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na sasabak naman sa presidential race.

Ang mga nasa listahan ay sina dating Senador JV Ejercito, dating senador at ngayo’y Sorsogon Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero, Sen. Sherwin Gatcha­lian, DICT Sec. Gregorio Honasan, Sen. Joel Villaneuva, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, House Deputy Speaker Loren Legarda at dating Comelec Commissioner Goyo Larrazabal.

“Of course, ‘yong mga kapartido namin, automa­tic ‘yon. Like in my case kapartido ko ‘yong si Loren, si Chiz, si JV, si Sherwin, puro mga NPC ‘yon eh, so automatic ‘yon,” sabi ni Sotto sa panayam sa Tele­Radyo.

“Meron pa kaming ika nga ay ibang gusto at kausap. Bago namin bitawan ang pangalan, ay gusto naman namin na nakausap namin at hind ‘yong bigla na lang nagulat. Baka mamaya i-announce mo, biglang sabihin eh ayaw namin, ‘di ba. Nangyari ‘yan, nangyari sa ibang grupo ‘yon,” ayon kay Sotto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.