Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson tandem nangampanya sa QC, suportado ng mga lokal na opisyal

0 214

QUEZON CITY—Matapos ang matagumpay na proclamation rally nila kagabi sa lalawigan ng Cavite ay tumungo ang tambalan nina Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa Lungsod ng Quezon ngayong Miyerkules.

Binisita ng Lacson-Sotto ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, anak ng vice presidential candidate, at mga miyembro ng kanilang konseho gayundin ng mga empleyado sa kanilang munisipyo.

Ang Quezon City ay tinaguriang ‘City of Stars’ dahil dito nakasentro ang entertainment industry ng Pilipinas. Mayroon itong tinatayang 1.33 milyon na mga botante na nakatakdang suyuin ng tambalang Lacson-Sotto sa gaganaping rally sa Quezon City Memorial Circle mamayang hapon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.