Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson-Sotto lodi ni Tulfo

0 368

Nagpahayag ng paghanga ang batikang broadcaster na si Raffy Tulfo sa track record ng tambalan nina Partido Reporma presidential bet Panfilo `Ping’ Lacson at running mate nitong si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

“Walang kaduda-duda na sila po ang may pinakamagandang track record sa Senado. Unquestionable po ‘yan, wala pong pwedeng mag-contest diyan,” pahayag ni Tulfo sa isang pagtitipon sa Cavite na dinaluhan ng Lacson-Sotto tandem.

Si Tulfo ay guest senatorial candidate ng Partido Reporma na pinamumunuan ni Lacson bilang chairman.

“Isa pong karangalan para sa akin na mapasama po bilang guest candidate sa Partido Reporma nina Senator Ping at Senator Vicente ‘Tito Sen’ Sotto dahil sila po ang dalawang beteranong public servants,” sabi ni Tulfo nito.

Ibinida ni Tulfo ang mga katangian ng isang lider na nakita niya kay Lacson nang pamunuan nito ang Philippine National Police (PNP).

“Many years ago nung maging chief PNP po si Senator Lacson sobra po ang paghanga ko sa kanya… hanggang ngayon. Paano po ako ang napahanga kay Senator Ping? At that time nag-uumpisa pa lamang po ang aking career sa public service bilang isang broadcaster hindi ko makakalimutan ‘to… nagbigay po siya (Lacson) ng ultimatum sa mga pulis,” ani Tulfo.

“Binigyan niya… kung tama pa ang pagkakaalala ko… 48 hours ata ‘yon… na lahat ng mga carnapped vehicles na ginagamit ng mga pulis kailangan maisoli na, no questions asked,” kuwento ni Tulfo.

Ikinatuwa umano iyon ni Tulfo dahil lagi siyang nakakatanggap ng reklamo mula sa mga nabiktima ng carnapping at ginagamit ng pulis ang sasakyan pagkatapos marekober.

“Akalain mo pulis pa mismo ang nagmamaneho ng carnapped vehicle na narekober. Matapos makapagbigay si Gen. Lacson ng taning sa mga pulis para isoli ang mga ginagamit nilang carnapped vehicle… ‘yong Camp Crame po napuno ng mga sasakyan. Doon ko po nakita si Senator Lacson na mataas ang pagrespeto sa kanya ng kapulisan,” dagdag ni Tulfo.

Isa pang hinangan ni Tulfo ang `no take policy’ ni Lacson sa kapulisan para maiwasan ang pangongotong. (Dindo Matining/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.