Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson Tandem ikakasa ‘Edukasyon Plus’ vs dropout

0 170

Puntirya nina Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na bigyang prayoridad ang paghahatid ng kaalaman at abilidad sa mga kabataan sa pamamagitan ng programang ‘Edukasyon Plus.’

Target din ng Lacson-Sotto tandem namasolusyonan ang problema sa paghinto ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Batay sa isang ulat noong 2019 ang Pilipinas ang may pinakamataas na dropout rate sa lahat ng bansang kasapi sa ASEAN.

Sa ilalim ng ‘Edukasyon Plus’ libre na ang tuition fee ng mga estudyante, may dagdag pang P5,000 allowance kada buwan, at internship program sa gobyerno simula sa mga senior high school student.

Kung maipatutupad aniya ito, magkakaroonna ng kalayaan ang mga estudyante na pumili ng kurso na kanilang kukunin sa kolehiyo at mabibigyan ng pagkakataong mapalakas ang sektor ng agrikultura at medisina.

Tinalakay din kasama ng iba’t ibang sektor sa San Juan, Batangas sa town hall meeting nitong Pebrero 23 ang isyu hinggil sa naoobserbahan niyang pagbaba ng interes ng kabataan sa pagsasaka.

Aniya, “Hindi po gusto ng mga kabataang kumuha ng agriculture dahil wala raw pera sa agriculture.”

Makatutulong din anila ang isusulong naproyekto ng Lacson-Sotto tandem kung saan mismong gobyerno na ang bibili ng 50 porsi­yentong ani ng mga magsasaka at mangingisda sa pres­yong tatapat sa kanilang pinaghirapan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.