Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson, Sotto ‘binaril’ 2 termino ng pangulo, VP

0 231

Dahil wala nang oras, malabo umanong umusad ang panukala ng isang kongresista na naglalayong paikliin ang termino ng pangulo at bise presidente subalit bibigyan ito ng pagkakataong muling tumakbo sa halalan.

“Parliamentary ethics dictate that I do not question the motive of a fellow legislator but what I can say is “it’s too late in the day”, reaksiyon ni vice presidential candidate Senate Presidente Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Inihain ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., na magpapatawag ang Senado at Kamara ng Constituent Assembly (Con-Ass) para amiyendahan ang mga termino ng mga elective position sa gobyerno.

Sa ilalim ng panukala, ang termino ng pa¬ngulo ay gagawing limang taon mula sa kasalukuyang anim na taon. Pero papayagan ito ng isang re-election at kung mananalo ay magiging 10 taon ito sa puwesto.

Hindi na kakayanin ayon rin sa running mate ni Sotto na si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, standard bearer ng Partido Reporma na talakayin ang anumang panukala na may kinalaman sa pagpapalit ng Konstitusyon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.