Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson solid Sotto: Pres, VP kahit sino tandem

0 188

SUSUPORTAHAN ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sakaling tumakbo sa 2022 election si Senate President Vicente Sotto III, mapa-presidente o bise presidente man ito.

Ayon kay Lacson, alam na alam niya ang kakayahan ni Sotto na mamumuno kaya’t anumang desisyon nito na tumakbo sa mataas na posisyon sa susunod na halalan ay buong-buo niyang susuprotahan.

“I am only sure of supporting SP Tito Sotto’s bid, presidential or vice-presidential, whoever he is in tandem with, because I know his ability to lead and his capability to get things done,” pahayag ni Lacson sa kanyang post sa Twitter.

“To that, I am fully committed and he knows it,” dagdag pa na Lacson, isa sa mga senador na bumubuo ng tinatawag na ‘macho bloc’ ng Senado kung saan kasama rin si Sotto, Senador Grace Poe, Senador Lito Lapid at Senador Nancy Binay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Unang ibinalita ng Abante na ninluluto na ng ‘macho bloc’ ang Lacson-Sotto tandem na ipapantapat sa magiging kandidato ng administrasyon.

Kung matuloy aniya ito, magiging campaign ma­nager si Senador Poe na nauna nang nagpahiwatig na hindi na tatakbo sa 2022 national election.

Tinanong ng Abante si Lacson kung hindi ba talaga ito tatakbo sa pagka-presidente sa 2022 subalit hindi ito sumagot. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.