Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson sakalam sa mga Pinoy abroad

0 192

Matunog ang pangalan ni Partido Reporma presidential bet Senador Panfilo `Ping’ Lacson kahit sa mga Pilipino sa ibang bansa.

Ayon sa isa sa mga tagasuporta ni Lacson na si Paeng Serrana, tumatak na sa pangalan ni Lacson ang pagiging malinis, matapat, disiplinado at matalinong lider sa loob at labas man ng Pilipinas.

Si Serrana ay 35 taong nanirahan sa Estados Unidos bago magdesisyong magretiro at manatili na lamang sa Baguio City.

“Actually, nasa States pa ako noon, nasa PNP (Philippine National Police) pa lang siya (Lacson), siya na ang pinag-uusapan namin sa States. Kung ano ang mga achievement niya, kung paano niya dinisiplina ang PNP hanggang sa nag-for good na ako rito,” kuwento ni Serrana.

“Alam niyo naman sa States, nagbabasa kami doon. Meron kaming mga forum-forum kung anong nangyayari. Mga kasama namin vino-voice out nila ‘yung mga nalalaman nila. So far, ang galing ni Lacson,” dagdag nni Serrana.

Maging sa Amerika ay matunog aniya ang pangalan ni Lacson dahil sa paraan ng pamumuno at disiplina nito na ipinakita simula nang maging PNP chief.

“Kaya parang umangat ang integridad ng mga pulis noong siya naghawak e. Biro mo `yong malalaki ang tiyan pinaliit niya, na-remember mo `yon?” lahad pa ng tagasuporta ni Lacson na tahimik siyang ikinakampanya.

“Sa ngayon, nakita ko `yong advocacy niya na, plataporma niya—maganda e. Hindi kagaya ng mga iba diyan ang gusto nila unity. Anong iyu-unity mo? It’s nonsense talaga. Siya (Lacson) specific e,” aniya pa.

Pag-amin ni Serrana, dismayado siya sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas dahil wala na ngang pagbabago ay tila marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi natuto at patuloy na pinaniniwalaan ang sabaw na mga pangako ng ibang kandidato na kulang naman sa mga nagawa para sa bansa kaysa kay Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.