Una sa Balita

Lacson sa PDEA, BOC: Tigilan ang turuan

By
0 733

PINAYUHAN ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang Bureau of Customs (BOC) at Phi­lippine Drug Enforcement ­Agency (PDEA) na sa halip na magsisihan ay magtulungan sa pagresolba sa problema sa droga.

Ito ay kasunod ng pagtuturuan ng sisi ng dalawang ahensiya sa nakalusot na isang tonelada ng shabu sa Cavite.
“Fingerpointing won’t help their campaign any. What is annoying is how come up to now, and it’s been more than 2 years but they haven’t busted any of the big time ­shabu smugglers,” saad ni Lacson.

Iginiit ng dating pinuno ng Philippine Natio­nal Police (PNP) na hanggang sa ngayon, mga maliliit na drug user lamang ang naaaresto sa anti-illegal drugs campaign.

Abante Hiring – IT dep

Sa kabila aniya ito ng pagbibigay ng Kongreso ng sapat na pondo sa PDEA at BOC upang suportahan ang kanilang mga kampanya.

“We’ve been giving them all the budgetary support they need. I should know because I am the sponsor of their budget in the Senate,” dagdag nito.

Tanging magnetic lifters na lamang ang naabutan ng PDEA sa isang warehouse sa Cavite noong nakaraang Biyernes, kung saan pinaniniwalaang ibinebenta na ngayon sa kalsada ang isang tonelada ng shabu na nangga­ling sa Taiwan.