Una sa Balita

Lacson sa BOC: Nalusutan na naman kayo!

By
0 623

KUwestyUnable para kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kung paano nakalusot ang halos isang bilyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa bansa.

Ayon kay Lacson, lumalabas na nalusutan na naman ng Chinese nationals ang mga opisyales ng Bureau of Customs (BOC) at police checkpoints gayong mala­king halaga na naman ng droga ang nadiskubreng naipuslit sa kanilang pagbabantay.

“How the hell did that vo­lume pass through Customs and the police checkpoints? And the Chinese nationals? WTF!” pahayag ni Ping sa kanyang Twitter account.

Kalakip ng kanyang post ang artikulo mula sa isang news site kung saan napaulat na nasabat na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 148 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng isang bilyong piso sa Alabang.

Doon naaresto rin ang dalawang Chinese national matapos magbenta sa PDEA operatives na nagpanggap na drug buyers.
Nasa 25 na kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng P170 milyon ang nakumpiska sa kanila.

Ayon kay Lacson, kahina-hinala na ang patuloy na isyu ng pagpasok ng shabu ng bansa at kataka-taka na rin aniya kung bakit tila lagi na lamang nalulusutan ang BOC sa ganitong usapin.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na nalusutan ang BOC ng malaking halaga ng iligal na droga. Noong Mayo 2017, tinata­yang P6.4 bilyong halaga ng shabu ang nakalabas ng BOC at dinala sa warehouse sa Valenzue­la City. Matapos ang nakuhang tip mula sa China Customs, sinalakay ng mga operatiba ang nasabing warehouse at narekober ang mga droga.

Noong Agosto 2018 naman, natuklasan ang apat na magnetic lifter sa GMA, Cavite. Pinaniniwalaan na inilabas dito ang anim na bilyong piso hanggang P11 bil­yong halaga ng iligal na droga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy