Una sa Balita

Lacson pinangaralan si Alvarez: Senado ‘di puwedeng diktahan

By
0 2,766

Tinawag na ‘unparliamentary’ ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang banat ni House Speaker Pantaleon Alvarez laban sa Senado.

Kasabay nito, ipinaalala ng senador na walang sinuman ang maaaring magdikta sa Senado nang dapat nitong gawin.

“The Senate works differently from the House in that we think and act more independently as individual members. Nobody, not the Senate President and even the President of the Republic can dictate on us,” sabi ni Lacson.

Matatandaang binansagan ni Alvarez na ‘mabagal na kapulu­ngan’ ang Senado dahil maraming panukala ang nakabinbin pa rin dito bagay na hindi nagustuhan ni Lacson.

“Hindi po subordinate ng House ang Senate; and that is also true the other way around. A measure before it becomes law must pass both chambers. That is the basic principle. We have to respect the decision of each chamber,” diin ni Lacson.