Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson pinalalantad survey diskarte

0 121

Tamang pamamahagi at pagiging transparent ng resulta ng mga pre-election survey ang nakikitang solusyon ng tambalan ni presidential bet Panfilo ‘Ping’ Lason para maiwasan ang idinudulot nitong ‘mind-conditioning’ sa publiko o paglikha ng interpretasyon na magdidikta sa desisyon ng mga botante.

Ayon kay Lacson, sa kanilang mga town hall meeting sa iba’t ibang mga probinsya kasama ng kanilang team, palagi nilang naitatanong sa mga dumadalo kung sino sa kanila ang natanong na sa mga survey. Wala pa umanong kahit isa na sumagot na naging kabilang sila sa respondents.

“Sa dami nang napuntahan namin—Luzon, Visayas, Mindanao—at lagi namang tinatanong ni Secretary Manny (Piñol), meron na ba rito sa inyong natanong, na-survey? Talagang zero, as in zero—as of now… we’re expecting na somehow merong tataas ng kamay, ‘ako po, natanong ako,’ but wala,” sabi ni Lacson.

“There’s a group. I don’t know kung tama ‘yong term, ano, pero ang tawag sa kanila… it’s a company that conducts surveys. And they are the ones that are tapped by all the other groups who conduct the survey. Now, there are other groups now. That’s why you’re receiving different surveys from the provinces… it’s different from the national survey,” sabi ni Sotto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.