Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson: PH, kaalyado sa WPS dapat umalma vs China

0 49

KUNG si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang tatanungin, tila wala nang bisa ang paghain ng diplomatic protest ng Pilipinas kontra China.

Sa pahayag ng mambabatas, sinabi nito na hindi naman pinapansin ng China ang mga protesta kontra sa kanila ukol sa mga naglipanang barko sa ilang teritoryo ng Pilipinas tulad sa Julian Felipe Reef.

“Diplomatic protests may not be too helpful anymore as China continues to ignore the same,” saad ni Lacson. “Further, while it is a standard document used to call the attention of the other party, China’s consistent attitude of takin­g for granted such action taken by the DFA reduces it to a mere point of information.”

Muling naghain ang Department of Foreign Affairs ng diplomatic protest kontra China nitong Lunes dahil pa rin sa presensya ng mga Chinese vessel sa Julian Felipe Reef.

Ayon naman kay Lacson, dapat ay magtulungan ang mga kaalyado ng Pilipinas sa Asia-Pacific at western country para mapanatili ang balanse ng kapangyarihan sa rehiyon, partikular sa West PH Sea. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.