Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson nilaban budget sa pandemya

0 217

Dahil sa pandemya, mas naging importante ang pagkakaroon ng inclusive at development-oriented na badyet kung saan may partisipasyon sa paggawa ng panukalang badyet ang mga makikinabang nito sa lokal na lebel, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Bilang tugon sa “Budget Serye 2021” ng Social Watch Phi­lippines, sinabi ni Lacson na ang badyet ang pinakaimportanteng kasangkapan para matugunan ang mga problema ng lipunan na mas pinalala pa ng pan­demya.

“The national budget is the government’s most important tool in achieving its goals, especially in the midst of an unprecedented health crisis when all our social, economic and political problems have magnified into massive scale,” sabi ni Lacson.

“More than ever, we must demand for a national budget that is participatory, consultative, development-oriented, and inclusive – one that equalizes opportunities for all and serves the will of our people,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Lacson ang kanyang suporta sa SWP at sa Alternative Budget Initiative (ABI) upang maisulong ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan sa paggawa ng pambansang badyet.

Nakilala si Lacson bilang mahigpit na bantay sa pambansang pondo dahil sa kanyang masusing pagsusuri sa mga kahina-hinalang insertions o pork barrel sa panukalang badyet taon-taon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.