Una sa Balita

Lacson nanindigang iligal ang jueteng

By
0 622

SA kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahayaan muna ang mga jueteng ope­ration, nanindiga­n si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na iligal pa rin ang naturang numbers game at dapat pa ring sawatain ng mga awtoridad.

Sa kanyang text sa mga reporter, sinabi ni Lacson na may batas na nagdedeklarang iligal ang jueteng at iba pa ng sugal at hindi ito e­xempted sa operasyon ng mga awtoridad.

Ipinaalala pa ni Lacson na ang hindi pagsasagawa ng operasyon laban sa jueteng ay posibleng magresulta sa katiwalian.

“Maybe what PRRD (President Duterte) meant was to prioritize illegal drugs over illegal gambling if there is compelling reason to do so,” kambiyo naman ni Lacson.

Samantala, naghihinala si Senador Leila de Lima na may gambling lords na gustong protektahan si Pangulong Duterte.

Hindi anya ito magiging kataka-taka dahil madaling makakasundo ni Pangulong Duterte at ng umano’y Davao mafia, ang mga gambling lord at jueteng lord dahil bihasa na sila sa pagkunsinte sa mga iligal na gawain gaya ng katiwalian.