Una sa Balita

Lacson nabiktima ng fake news sa pork

0 460

PUMALAG si Senador Panfilo Lacson sa natanggap na ulat na siya ang sponsor ng multi-milyong pisong road concreting project sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Ayon kay Lacson, isa itong hatchet job upang sirain ang kanyang pa­ngalan bilang anti-pork barrel crusader.

Sa P4.1 trilyong budget para sa taong 2020, nakita ng senador ang P25 milyong road project sa Tarlac na nakapangalan sa kanya.

“First, I don’t realign appropriations for road projects, much less local roads since it smacks of a pork barrel allocation. Also, the realignments I propose in the national budget are institutional – meaning, they have undergone planning and vetting, and are based on requests from the implementing agencies concerned,” ani Lacson.

Lumabas umano ang fake news matapos ibitin ng Malacañang at ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P80 bil­yong halaga ng pork barrel fund ng ilang mambabatas.

Ang P80 bilyong pork ay kinuha umano sa Build, Build, Build pro­ject na siyang flagship program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatanggap umano ng tawag ang tanggapan ni Lacson mula kay Tarlac City Mayor Maria Cristina C. Angeles at nagpapasalamat umano ito sa proyekto.

Nilinaw pa ng senador na hindi siya nag-i-sponsor ng local project dahil mas gusto niyang bigyan ng awtonomiya ang mga local government unit sa mga preparasyon ng programa at proyekto na popondohan ng gobyerno.

“Without imputing malice to the mayor, this may be a hatchet job intended to put me in a bad light since I have consistently and diligently advocated for the active involvement of the LGUs in the preparation of national budget and their just share in the allocation of funds,” paliwanag ng senador.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More