Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson, Moreno bet ng LP

0 248

Makikipag-usap ang Liberal Party (LP) kina Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson, Nancy Binay, Joel Villanueva at Manila Mayor Isko Moreno sa layuning magkaisa para sa a 2022 elections, ayon kay Senador Francis Pangilinan.

“Nandiyan si Senator Lacson, nandiyan si Senator Villanueva, nandiyan si Senator Binay, nandiyan si Isko Moreno, si Vice President Leni [Robredo]. Can you imagine kung lahat ‘yon ay magkaisa para sabihin gusto natin ng mas magandang direksiyon ang ating bansa?” pahayag ni Pangilinan sa online interview ng mga reporter.

“We really need unity and we really need to come together to provide solutions dito sa mga pagsubok na hinaharap natin,” dagdag pa ng president ng LP.

Sa ngayon aniya’y may mga diskusyon nang ipinapaabot ang LP sa mga nabanggit ng personalidad.

Sinabi naman ni Moreno na hindi muna siya mag-e-entertain ng ano mang political na bagay sa ngayon dahil nakatutok siya sa paghahanda para sa ‘bounce back’ ng siyudad sa oras na maabot na ang ‘herd immunity’ ng bansa laban sa COVID-19.

“Fighting COVID, Feeding Manileños, strengthening our economy is my only concern,” ayon kay Moreno. “Wala muna akong ine-entertain na mga political na bagay. All talks of coalition or any political talk is untimely and premature,”ani Isko. (Dindo Matining/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.