Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson lodi ng mga taga-Zambales

0 174

Naging mainit ang pagsalubong ng mga taga-Zambales nang bumisita sa kanilang probinsya si Partido Reporma presidential bet Panfilo `Ping’ Lacson noong Biyernes.

Balik-probinsya si Lacson at team para ikampanya ang kanilang mga adbokasiya at magbigay pag-asa para sa pagkakaroon ng isang mabuting gobyerno na sinang-ayunan ng mga residente, lokal na opisyal at mga kawani ng pamahalaang bayan ng Castillejos.

Sa kanilang courtesy call kay Mayor Eleanor Dominguez, kasama ni mayoral candidate Jose Angelo Dominguez, ipinagmalaki nila na solido ang kanilang suporta kay Lacson hindi lamang dahil sila ay magkapartido ngunit naniniwala sila sa paninindigan ng senador bilang isang lingkod bayan.

Ayon pa kay Dominguez, idolo nila si Lacson dahil sa mga programa niyang “hindi pang-tsubibo” na nagpapaikot-ikot lamang sa publiko.

Dagdag ni Dominguez, hindi ‘pangarap’ lamang ang plataporma ng kanilang pambato sa pagka-pangulo dahil kaya itong magawa ng tulad niya na isang tunay na lider.

Sinabi ng mag-asawang Dominguez na simula sa kanyang kandidatura sa Senado hanggang sa krusada bilang presidential candidate ay si Lacson na ang kanilang ikinakampanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.