Una sa Balita

Lacson: Korapsyon sa BuCor nanganganak

0 346

NAG-UUMAPAW o walang katapusan na umano ang katiwalian sa Bureau of Corrections (BuCor) kaya’t hindi na matapos-tapos ang imbestigasyon ng Senado dito, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

“Parang naging bottomless pit ang aming investigation, panglimang pagdinig namin kahapon at meron uli sa isang linggo,” pahayag ni Lacson sa panayam sa DZHH kahapon.

“Kasi nanganganak ang controversy at anomaly kaya mahirap tapusin din, although may idea kami more or less ano ang irerekomenda sa plenaryo at ire­rekomenda sino ang pa-file-an ng kaso,” dagdag po.

Nagsimula ang imbestigasyon ng Senado sa naudlot na paglaya ng convicted rapist-murder at dating Calauan mayor Antonio Sanchez, sa pamamagitan ng good conduct time allowance (GCTA) Law.

Nagresulta ito sa pagkadiskubre ng anomaly naman sa ‘GCTA for sale’ sa mga preso sa loob New Bilibid Prison (NBP) sa ilalim ng superbisyon ng BuCor.

Sumunod naman dito ang ‘hospital for sale’ racket, kung saan ilang mga high profile inmate ang bumibili ng ‘passes’ kapalit ng pera para maipagpatuloy ang kanilang iligal na aktibidad habang naka-confine sa NBP hospital.

Noong Huwebes naman, ibinunyag na isang dating opisyal ng BuCor ang ‘money-making’ ope­ration sa loob ng Bilibid.

Dahil sa pagsisinungaling naman ng tatlong opisyal ng BuCor, napikon ang mga senador at ipinakulong ang mga ito sa Senado matapos silang i-cite for contempt dahil sa kanilang pagsisinunga­ling sa pagdinig.

Ang mga ikinulong ay sina BuCor legal chief Frederic Anthony Santos, BuCor records division head Ramoncito Roque, at Dr. Ursicio Cenas, medical officer NBP hospital.

“May pagdinig sa September 19, puwede doon i-decide kung puwede na sila palabasin o hindi. Depende kung ano magiging demeanor or attitude nila sa susunod na pagdinig,” ayon kay Lacson. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy