Lacson kinontra si Gordon kay Faeldon

By

Kinastigo ni Sen. Panfilo Lacson ang plano ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon Committee, na palayain na lang sa detention facility ng Senado si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon kung desidido itong hindi magsalita sa hearing ng komite.

“`Di ko alam kung quoted siya accurately pero kung talagang sinabi niya `yan ang naging comment ko na nga lang, WOW,” wika ni Lacson na tila tinutumbok ang “Wow Philippines!” na dating campaign slogan ng Department of Tourism noong kalihim ng ahensiya si Gordon.

Kusang nagpa-detain sa Office of the Senate Sgt. At Arms si Faeldon noong Lunes matapos i-contempt ng komite dahil sa hindi pagsipot ng ilang beses sa hearing ng P6.4 bilyong shabu na lumusot sa green lane ng BOC.

Nitong Martes ay sinabi ni Gordon na kung desidido si Faeldon na magpakulong ng mahabang panahon sa OSAA kaysa magsalita sa hearing, mas makabubuti umanong palayain na lang ito.

Ayon kay Lacson, hindi maaaring solohin ni Gordon ang pagdedesisyon.

“Ang point, collegial body kami sa Senado, pareho rin ng mga committee collegial body. Hindi pwedeng chairman lang, ang chairman nagpe-preside pero `di pwedeng siya lang nagde-decide kung anong gagawin o ano ang decision ng committee,” katuwiran ni Lacson. 

SHARE