Una sa Balita

LACSON KAY PACMAN: IWANAN NA ANG BOXING!

By ,
0 1

Kung si Senador Panfilo Lacson ang tatanu­ngin, mas gugustuhin niyang iwanan na ni Senador Manny Pacquiao ang boxing ring habang may mga nanonood pang pumapalakpak sa kanya.

“It is best to leave the stage while the audience is applauding,” ayon sa tweet ni Lacson matapos ang pagkatalo nito sa kanyang laban kay Australian boxer Jeff Horn.

Ngunit paglilinaw ni Lacson, na kay Pacquiao pa rin naman ang huling desisyon kung tumigil na siya o hindi pa, ang sa kanya lamang ay bilang kaibigan at kasamahan na nagmamalasakit umano sa senador at sa kinabukasan nito ay sa kanyang palagay ay napapanahon na upang ikonsidera nito ang pagiging fulltime public servant.

Abante Hiring – IT dep

“Although it is his decision to call it quits or still go on fighting inside the ring, as a friend and colleague who cares for him and his future, I sincerel­y think it is time that he consider being a fulltime public servant,” ayon kay Lacson.

Tanggap naman ng ilang netizens ang payo ni Lacson kay Paquiao.

Sa katunayan, dagdag ng senador, binigyan na rin niya ng kahalintulad na payo si Pacquiao noong nakaraang taon na lumaban ito kay Jesse Vargas.

Si Senador Ralph Recto ay hiling naman na sibakin mula sa boxing ang mga judges sa kanilang laban ni Horn dahil malinaw namang nanalo si Pacquiao.

Samantala, para kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, ipinaubaya nito kay Pacquiao ang desisyon kung titigil na ito sa pagbobok­sing. Hindi umano dapat na pangunahan ito.