Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson kay Galvez: Bakuna korapsyon sipatin

0 236

BINALAAN ni Senador Panfilo Lacson si vaccine czar Carlito Galvez sa pakikipagnegosasyon sa pagbili ng gobyerno ng bakuna kontra COVID-19 na naging kontrobersyal dahil sa magkakaibang presyong lumutang.

“We advised Sec. Galvez to mind his back, front, left and right sides. He may have the best of intentions but there may be people pushing him out front to do the talking and explaining to take advantage of his credibility while pursuing their own interests. He assured us that he will make it very hard for those people to even have an opening for that opportunity,” giit ni Lacson.

Sinabi rin ng senador na humingi ng paumanhin si Galvez Jr. kaugnay nang naunang akusasyong pinupolitika ng mga senador ang vaccination program ng pamahalaan.

“I accepted his apology. He promised to be more careful in issuing statements,” pahayag ni Lacson.

Nag-sorry si Galvez matapos makipagpulong kina Lacson, Senate President Vicente Sotoo III, Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa, at contact tracing czar Baguio Mayor Benjamin Magalong noong Miyerkoles ng gabi.

Bago ang pagpupulong, sabi ni Lacson na sinabi sa kanya ni Magalong na gustong makipagpulong sa kanila ni Galvez at personal na humingi ng paumanhin.

“He also promised to brief me and disclose all the details of their vaccine procurement including the pri­ces of the different brands,” sabi ni Lacson.

Sa nasabing pulong, nilinaw umano ni Galvez ang ilang isyu at concern ng mga senador na hindi pa rin nareresolba.
Samantala sinabi ni Galvez na matinding pag-iingat ang ginagawa nitong negosasyon sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID para hindi masalisihan o malusutan na posibleng ikapahamak nito.

Sa Laging Handa press briefing sinabi ni Galvez na ito ang dahilan kaya limitado lamang ang kasama nitong nakikipag-usap sa mga vaccine manufacturer para mabawasan ang mga aberya sa pagbili ng COVID vaccine.

“Ginagawa po natin ang lahat ng ating magagawa para maging lesser ang intervention. That’s why ‘yong negotiations limited lang po sa amin sa Department of Finance para ‘yong mga interference mawala po,” ani Galvez.

Sa kanyang pakikipag-usap sa ilang senador, sinabihan umano siya ni Senador Lacson na mag-ingat sa kanyang nasa likuran sa tagiliran at sa harapan para hindi ito mapahamak sa kanyang ginagawa.

“Kaya ang sabi ng Presidente dapat itong negosasyon natin ay graft-ridden or corruption free. Laging ini-emphasize ng Presidente na itong bakung ito ay para sa mamamayan at dapat hindi mahaluan ng ano mang kalokohan,” dagdag ni Galvez. (Aileen Taliping/Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.