Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lacson kampeon sa ‘Matira Matibay’

0 370

GINIBA ng tinale ni RR Lacson ang mga tigasing manok ng mga bigtime breeder at cocker upang tanghaling kampeon sa katatapos na “Matira Matibay 12-Cock Super Big Event” noong Linggo sa AA Arena sa Lipa City, Batangas.

Gamit ang entry name na ‘Imus Sport Arena’, umiskor si Lacson ng 11 points sapat upang masolo ang korona sa nasabing 3-day derby na suportado at napanood ang lahat ng sultada sa WPC PitMaster Live.

Ayon sa mga grupo ng talpakers na nakasaksi ng mga laban ni Lacson sa WPC Online Sabong ay mga super ang ginamit na warriors kaya naman maging ang kapwa nito na bigtime breeder at sabungero ay isinama sa mga nabiktima ng ‘Imus Sport Arena’.

Isa si Lacson sa mga hinahangaan na breeder dahil marami na rin itong napanalunan na malalaking derby tulad ng “Battle of the Big Boys”.

Related Posts

Noong Agosto nakaraang taon ay nagkampeon din si Lacson sa “4-Stag Super Big Event” ginamit ang entry name na ‘Blue Diamond’, umiskor ito ng perfect four points.

Nakailang beses na rin nagkampeon si Lacson sa “Matira Matibay” kaya naman walang duda na kinatatakutan din ng iba na makaharap ang kanyang mga pandiinan na warriors.

Sa ngayon, naghahanda na ang mga handlers ni Lacson para sa susunod na super big event na sasalihan kung saan inaasahan nila na mas matitibay at matitigas ang kanilang makakalaban. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.