Una sa Balita

Lacson bumuga sa mga basher Hindi ako pumuporma sa 2022

0 398

MULING sinagot ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kanyang mga basher na nag-aakusa na pumoporma na siya para sa 2022 elections.

Sa kanyang Twitter, iginiit ng senador na hindi siya pumuporma at inilalabas lamang niya ang kanyang mga nais ipahayag sa iba’t ibang isyu.

“To those accusing me of posturing for 2022, I am not,” saad ni Lacson.

“I am just myself – mostly serious, sometimes funny, naughty, controversial, dull, boring,” ani Lacson.

Kasabay nito ay iginiit ng senadoor na sadyang mahal nito ang Twitter dahil sa pamamagitan nito siya ay nakakapag-isip, nakakapanuri at natututo.

“I love Twitter. It makes me think, fact-check, google and learn. As of this hour, I have 22,218 followers; following 374; blocked 448,” dagdag nito.

Tila nang-uurot naman si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa komento nito sa tweet ni Lacson nang igiit na “But I do not mind if you ‘posture’ Partner.”

Maging si outgoing Senator JV Ejercito naman ay sumuporta kay Lacson.

“Senate’s Mr. No-nonsense speaks of the true picture and what is on his mind. No sugar coating like other politicians,” giit nito sa tweet. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy