Una sa Balita

Laborer nanaksak ng karibal sa Pasig

0 267

By Vick Aquino

SAKSAK sa tagiliran ang natanggap na regalo ng isang pintor mula sa selosong karibal habang nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Barangay San Miguel, Pasig City, kamakalawa nang hapon

Naaresto ang suspek na si Eugenio Placido Hernandez, laborer, nasa hustong gulang at residente ng Pasig City matapos ang pana­naksak kay Rolando Samaniego y Aguilera, 36-anyos, painter, ng Dr. Pilapil St., Brgy. San Miguel, Pasig City

Naganap ang pana­naksak bandang alas-4:20 Sabado nang hapon habang nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at isang babae na nakilala lamang sa alyas na ‘Anette’ na umano’y karelas­yon ng biktima.

Ayon sa report, habang nagtatalo ang dalawa ay biglang dumating ang suspek at walang sabi-sabi na sinaksak sa tagiliran ang biktima sabay takbo matapos ang pana­naksak na kung saan ay marami ang nakakita sa kanyang ginawa.

Kritikal pa rin sa pagamutan ang biktima na itinakbo sa Rizal Medical Center habang nahuli naman ang suspek sa isinagawang follow up operation ng PCP 5 at kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy