Una sa Balita

Labor attaché sa Canada balak pauwiin ni Bello

0 277

Ikinokonsidera ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapauwi ng mga labor attaché sa Canada.

Nauna nang ni-recall ni Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddy Boy’ Locsin Jr. ang ambassador at consul ng Pilipinas sa Canada matapos mabigo ang pamahalaan ng Canada na tuparin ang May 15 deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte para hakutin ang kanilang mga basura.

Ayon kay Bello, kung hindi umano magiging maayos ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang bansa, ikokonsidera na rin nito ang pagpapauwi sa labor attaché na siyang namamahala sa Philippine Overseas Labor Office sa Vancouver at Toronto.

Aniya, sa ngayon ay hindi pa apektado sa isyu ang mga overseas Filipino worker (OFW) na pupunta o nasa Cana­da na.

Nabatid na nasa mahigit 800,000 Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa Canada. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy