Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Labog nangabog sa Maharlika Tour

0 115

NAKAMIT ni National Master Eric Labog Jr. ang P5,000 top prize matapos maghari sa Maharlika Chess Tour na ginanap sa Lichess platform nitong Abril 24.

Nasilo naman ni FM David Elorta ang 2nd para sa P3,000, habang nakopo ni Jan Clifford Labog ang 3rd para sa P2,000 , bida din si Vince Angelo Medina para sa 4th kalakip ng P1,000 at pang-5th naman si Kyle Ochoa para sa P700.

Nasa sixth hanggang 10th place na nagbulsa ng tig-P500 sina IM Daniel Quizon, IM MIchael Concio Jr, Lee Roi Palma, FM Roel Abelgas at Karl Ochoa.

Nakatangap ng special prizes worth na tig-P1,000 ang mga top performer gaya nina Mary Segarra (top lady), IM CHris Ramayrat Jr. (top senior), FM Alekhine Nouri (top Junior), AFM Jaymiel Piel (top kiddie), Irwin Aton (top executive) at FM Sander Severino (top PWD).

***

Matagumpay na naidaos ang 1st Ludivico Silverio Non Master Chess tournament sa Sta. Ignacia, Tarlac nitong Abril 23 at 24 kung saan umaktong chief arbiter si Alfred Miranda habang ang tournament organizer ay si Bernard Asuncion.

Nanguna sa Open category sina Romil Scam (champion), Khriste Gabay (2nd), Mark Marquez (3rd), Alex Tan (4th) at Janalan Casulog (5th).

Bida naman sa Seniors category sina Ricardo Peligro (champion), Alberto Rana (2nd), Isagani Rafael (3rd), Gilbert Besa (4th), David Opiso (5th) at Prolly Sagun (6th).

Umeksena sa side event sina Alfred (champion), Nonong (2nd), Louie (3rd) at kim (4th).

Leave A Reply

Your email address will not be published.