Una sa Balita

Labi ni Gina Lopez ‘di na dadalhin sa La Mesa Ecopark

0 321

Maraming Pinoy ang gustong masilip sa huling sandali si Kapamilya at ABS-CBN Foundation chairman Gina Lopez. Marami nga kasing natulungan si Gina, na tumatanaw ng utang na loob sa kanya.

Anyway, inanunsiyo ng ­ABS-CBN­ na hindi na matutuloy ang public viewing
kay Gina Lopez sa La Mesa Ecopark dahil­ sa inaasahang maulan na panahon sa mga susunod na araw.

Sa mga nagnanais na magbigay­-pugay at makita ang pinakamamahal na si Gina, bukas ang ABS-CBN Studio 10 para sa lahat ngayong Huwebes at Biyernes­ (August­ 22 & 23), mula 9 AM ­hanggang 12 MN. Magkakaroon din ng misa ng 6 PM at susundan ito ng special tribute ng 7 PM. Maaaring dumaan sa ABS-CBN Center Road gate sa Mother Ignacia Avenue, QC.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy