Una sa Balita

Labas-dila ang halikan Angelica nasarapan sa love scene kay Carlo

By
0 1,957

Masarap naman.’ Ito ang naging reaksiyon ni Angelica Panganiban tungkol sa love scene nila ni Carlo Aquino sa pelikulang Exes Baggage.

Ayon pa sa kanya, kapag napanood daw ito, masasabi raw na tama siya at masasabing yumming-yummy ang kanyang ex-dyowa.

Pero, natatawa raw siya dahil parang big deal daw sa iba ang pagiging yummy ni Carlo pero kung ibang leading man raw ay baka wala lang ito.

Abante Hiring – IT dep

Si Carlo naman ay hindi makapaniwala na ganun ang sasabihin ni Angelica tungkol sa kanya pero mukhang okey na rin sa kanya.

Ayon pa sa kanya, nu’ng una raw ay nagkakaila­ngan pa sila ni Angge pero pagkatapos ng ilang takes, parang normal na ang kanilang ginagawa.

Tungkol naman sa kissing scene nila dito, mas wild daw ito compare sa halikan nila sa Maalaala Mo Kaya. Dito ay medyo may labas-dila na sila pero hindi pa naman daw torrid.

Mukha namang enjoy si Carlo sa ginawa nila lalo na’t ex niya ito o baka nga sila na nga ngayon, eh.

Tinawag na babalina, bansot
Ynez nag-sorry kay Tina

Humingi ng paumanhin si Ynez Veneracion kay Tina Paner dahil sa naging reaksiyon nito tungkol sa komento niya sa isang fan na may kinalaman sa picture na kasama niya na si Ramon Christopher na na-link noon sa da­ting That’s Entertainment member.

Dahil sa komento niya na babalina at bansot, nag-react dito si Tina thinking na siya ang pinatatamaan ng dating sexy star.

Sa pamamagitan ng mahabang paliwanag, humingi ng paumanhin­ si Ynez insisting na hindi siya ang pinatatamaan nito kundi ibang tao. Hindi raw niya gustong saktan ang kanyang damdamin at wala sa isip niya na para ito sa kanya.

Gayunpaman, sinabi ni Ynez na sana ay magkaroon ng pagkakataon na magkita silang dalawa at personal niya itong mapaliwanagan.

As of today, wala pa namang reaksiyon mula kay Tina kung tinanggap ba niya ang apology na ito o dedma na lang siya forever.

Jak masarap maging dyowa

Enjoy na enjoy sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa kanilang Hong Kong sojourn kung saan lumipad sila noong September 1 kasama ang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez at ang ama nila.

Mukhang ito rin ang paraan nila upang i-celebrate ang kanilang first year anniversary dahil Agosto noong isang taon nang sagutin ni Barbs ang Kapuso actor.

Kung saan-saan din siya lumibot at sa posts nga ni Barbs ay mukhang sa Disneyland sila nag-enjoy nang husto at nagsuot pa sila ng power couple shirt, huh!

Isa ring madamdaming message ang pinost ng Kapuso actress kung saan ay inisa-isa nito ang dahilan kung bakit ang feeling niya ay ang haba-haba ng hair niya sa feeling ni Jak na nagsasabi ring masuwerte siya bilang nobyo ni Barbs.