Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Labandera sumideline sa droga timbog

0 544

Hindi lumusot sa pulisya ang dahilan ng dalawang babae na kunwari’y mga labandera sa araw pero mga bigtime drug dealer pala pagsapit ng gabi, matapos silang maaresto at makuhanan ng P3.4 milyon halaga ng shabu sa ikinasang drug operation sa Caloocan City Linggo ng hatinggabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Jane Malabanan, 49, at Grace Prado, 48. Ayon sa pulisya, isinailalim muna sa surveillance operation ang dalawang labandera, matapos na makatangap ng intelligence report na mga tulak ito ng iligal na droga sa kanilang lugar.

SM food to go Banner Ad

Nang magpositibo ang ulat na mga bigtime drug pusher nga ang dalawang babae, ikinasa na ng mga pulis ang buy-bust operation, dakong alas-11:30 ng hatinggabi sa bahay mismo ni Mary Jane.

Naroon din sa lugar si Grace at isang undercover na pulis ang nagkunwaring poseur buyer at umiskor ng P2,000 halaga ng shabu. Makaraan ang abutan nagsilbi itong hudyat para damputin ang mga suspek.

Nakuha sa kanila ang 500 gramo ng shabu. Sumailalim sila sa interogasyon kung saan nila kinukuha ang iligal na droga at kung sino ang kanilang supplier. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.