Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Labandera sa ilog nangarap ng malaki

0 40

Nakita ko ang sarili ko na naglalaba sa ilog, parang ‘yung ginagawa ko dati noong tumira ako sa tita ko sa probinsya, pero sa panaginip ko parang isang damit lang ang nilalabhan ko at hindi ako matapos-tapos dahil paulit-ulit ko lang na kinukusot ang dami ko kahit mukha namang malinis. Maya-maya tinawag na daw ako ng pinsan ko para umakyat na sa amin. Pagsama ko sa kanya, nag-iba naman ang eksena ko sa panaginip, parang napunta sa bayan o palengke, basta maraming iba’t ibang mga paninda. Parang naaliw ako sa nakita ko, maggagabi na nun kaya binubuksan na rin ang mga ilaw at doon ko napansin na parang nasa Japanese festival ang dating ng napuntahan kong lugar. Ano kayang kahulagan ng napanaginipan ko?

– Leila

Kadalasang sinisimbolo ng panaginip tungkol sa paglalaba ang proseso natin ng paglilinis sa sarili.

Nasa punto ka ngayon kung saan tinatanong mo ang sarili mo kung aling parte ng buhay mo ang kailangang ayusin. Dahil sabi mo rin na malinis naman ang damit na nilalabhan mo, sign ito na may mga mangyayari sa iyo na magpapabago ng takbo ng iyong buhay. Lumalabas ang ganitong panaginip kung kinakabahan ka sa mga susunod na mangyayari sa iyo kaya nagsisilbi rin itong paalala na kailangan mong ‘linisin’ ang sarili para makapa-move on ka na.

Ang paglalaba naman ng damit sa ilog ay senyales na ngayon ay kinikilala mo na ang mga sariling kahinaan at ginagawan ng paraan mapunan. Indikasyon din ito na kailangan mong panatilihin ang katotohanan at pagiging transparent mo.

Pwede rin itong sign na may malaki kang pangarap at makukuha mo ito sa tulong ng mga nagtutulak at sumusuporta sa iyo.

Nangangahulugan naman ang palengke sa panaginip mo na magiging sagana at matagumpay ang susunod mong mga karanasan. At ang ala-Japanese festival na setup ay nagsasabi naman na mayroon kang positibong pananaw sa buhay sa kabila ng kinakaharap mo ngayon.

Pwede rin itong maging simbolo na natanggap ka ng magandang balita at kailangan at marami ang masaya sa bago mong acchienement.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.

Leave A Reply

Your email address will not be published.