Una sa Balita

Laban sa murang kuryente dadalhin sa Kongreso

0 293

LUMAGDA sa isang cove­nant ang ilang senator­iables sa pangu­nguna ng grupong Murang Kuryente Partylist (MKP) upang isulong sa Kongreso ang laban para mapababa ang singil sa kuryente.

Ginawa ang covenant signing nitong Huwebes sa Senior Citizen Co­mmunity Center sa Addition Hills, Mandaluyong City sa pakikiisa ng sena­torial candidate na si Leody de Guzman ng Partido Lakas ng Masa (PLM) at mga kinatawan nina re-electionist Senator Bam Aquino at  Atty. Chel Diok­no ng Liberal Party (LP).

Ayon sa batikang ener­gy advocate na si Gerry Arances, hindi lamang dapat mga lumang isyu ang binibigyang-pansin ng mga senador at kongre­sista sa kanilang mga plataporma-de-gobyerno, kundi dapat iprayoridad din ang isyu ng walang habas na pagtaas ng singil sa kuryente na matagal nang nagpapahirap sa mamamayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy