Una sa Balita

Laban Rachel

0 8

Dahil kay Senator Manny Pacquiao, tumindi ang obsession ng mga Pilipino sa boxing kaya parang holiday sa Pilipinas sa tuwing may laban siya noong kainitan ng pamamayagpag niya sa boxing arena.

Si Pia Wurtzbach ang female counterpart ng Pambansang Kamao dahil mula nang manalo ang beauty queen ng Miss Universe crown sa pa­nahon ng social media, lalong sumidhi ang interes ng mga Pilipino sa mga beauty contest, particularly sa Miss Universe.

Ngayong umaga (Sunday night, Las Vegas time), malalaman natin ang kapalaran ni Rachel Peters sa 66th edition ng Miss Universe.

Nakakagulat ang suporta na ibinibigay ng mga Pilipino kay Peters at makikita ito sa milyon-milyon na online votes at retweets ng mga kababa­yan natin para sa ikata­tagumpay ng Miss Universe journey ng Philippine bet.

Malaking tulong din kay Peters na ambassador siya ng PLDT Home na buong-buo rin ang suporta sa pagsali niya sa Miss Universe 2017.

Apat na taon na ang partnership ng Bb. Pilipinas Charities, Inc., ang franchise holder ng Miss Universe at ng PLDT Home. Full support din ang natanggap nina Pia at Maxine Medina mula sa PLDT Home nang ma­ging representative sila ng Pilipinas sa Miss Universe noong 2015 at 2016, respectively.

Nakatanggap din si Peters ng suporta mula sa mga artista gaya nina Charlene Gonzales at Anne Curtis. Masipag si Anne sa panga­ngampanya sa kanyang fans at supporters na iboto si Peters.

“Don’t forget to use the hashtag Miss Universe and hashtag Philippines. Make sure, proper spelling ng Philippines please with a letter L kasi ang daming nagti-tweet sa akin na (mali ang spelling)…make sure letter L.

“Philippines as one nation, let’s support Miss Universe. As I told Rachel, good luck girl, enjoy every moment,” ang sabi ni Anne.