Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Laban Pilipinas! Rabiya pasok sa hot pick ng mga pageant expert

0 67

Habang sinusulat ito, puspusan sa rehearsals ang mga kandidata, mga host, para sa gaganaping Miss Universe 2020 (May 17 ng umaga sa Pilipinas, at mapapanood sa A2Z channel).

Medyo pahinga nga rin sila sa paandar sa social media, at mukhang hinahanda nila ang energy nila sa mas malaki at tunay na laban.

Anyway, kanya-kanya na ring paandar ang mga beauty pageant enthusiast, mga grupo na tumututok sa mga beauty pageant, nagbibigay ng opinion, guide, sa kung sino para sa kanila ang may malakas na chance sa Miss Universe, o sa iba pang pageant.

Una na nga riyan ang grupong Real Missosology na naglabas na ng kanilang Top 5. Pasok sa listahan nila sina India, Peru, Philippines, Romania, Thailand.

Ganun din naman ang grupong Pageanthology na napili rin ang India, Thailand, Philippines, Puerto Rico, Nepal sa kanilang hot picks.

Samantala ang beauty pageant Czar na si Osmel Sousa ay inilabas na rin ang kanyang Top 16. Ang mga bansang Argentina, Brazil, Canada, Colombia, Costa Rica, Dominican Republic, France, Indonesia, Jamaica, Myanmar, Nicaragua, Panama, Peru, Philippines, Russia, Thailand, ang napili niya.

Samantalang ang vlogger, YouTuber na si Luis Portelles naman ay pinili sina Philippines, Canada, India, Mexico, Nepal, Puerto Rico, Thailand, Peru, South Africa, Czech Republic.

Kung titingnan mo, sa halos lahat ng mga naglabas ng kanilang mga hot picks, palaging pasok si Rabiya. Pero siyempre, iba pa rin ang panlasa ng mga hurado, dahil sila naman talaga ang tunay na nakaharap, nakausap ng mga kandidata.

So, abangan kung tama ba ang mga hula nila!

Pero sabi nga, ‘Laban Pilipinas!’ (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.