Una sa Balita

Laban ni So walang dating

0 490

NAKATIKIM na maman ng pangungutya sa mga chess fan na nanood ng laban nina GM Wesley So at Anish Giri sa Round 9 ng 2020 Tata Steel ­Masters na ginaganap sa Wijk aan Zee sa ­Netherlands kahapon.

“Nakakainis naman walang effort manalo nina Wesley at Giri, puyat na boring pa,” himutok ni Ernesto Crisostomo. “Sana sa susunod na ­laban makakita naman tayo ng quality na laro.”

Sumalo sa second spot si 25-­year-old So matapos makipaghatian ng puntos kay Giri ng host country sa 31 moves ng Slav sa event na may 14-player single round robin format.

Nakalikom si Imus, Cavite native So ng 5.5 points, sumiksiksik sa ­four-way tie sa second kasama sina reigning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway, Jorden Van Foreest ng Netherlands at 16-year-old GM Alireza Firouzja ng Iran.

Nakahabol si Carlsen nang talunin nito si Firouzja.

Makakalaban ni So sa round 10 si GM Yu Yangyi ng China habang katapat ni Carlsen s GM Vladislav Kovalevi.

Solo sa tuktok si GM Fabiano ­Caruan ng USA tangan ang anim na puntos.
Nauwi sa draw ang laban ni ­Caruana kay GM Nikita Vitiugov. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More