Una sa Balita

Laban ni Manny mas tinutukan sa ABS-CBN kesa GMA

0 355

Hataw na hataw sa national TV ratings ang live coverage ng ABS-CBN sa laban ni Pacquiao, at mas mataas ito kaysa sa coverage ng GMA sa huling laban ni Pacman.

Pumalo sa 34.8% ang live co-verage ng Kapamilya network, kumpara sa “Kapuso Movie Festival” na itinapat ng GMA na nakakuha lang ng 10.7%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Mas mataas ang TV rating ngayon ng laban ni Pacman sa ABS-CBN, dahil ang laban niya kay Broner noong January na ipinalabas sa GMA ay nakakuha lang ng 25.6% sa Kantar Media.

In fairness sa laban ni Pacman, tala-gang exciting dahil first round pa lang ay pinatumba niya na si Thurman. Umabot sila ng 12 rounds, pero gegewang-gewang na ang American boxer.

Naku ha, alam na natin ngayon na mas mataas ang TV rating ng laban ni Pacman sa ABS-CBN kaysa GMA. Ito kaya ang dahilan kung bakit mas gusto ni Manny na sa Dos ang live coverage? Baka tuloy-tuloy na ito na sa ABS-CBN na mapapanood ang laban ng People’s Champ. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More